Linggo, Enero 3, 2016

Pagpapasalamat


                 Hindi mo kailangan magbayad para magpasalamat. Hindi mo kailangan maging mayaman para magpasalamat. Hindi mo kailangan magkaroon ng perpektong buhay para magpasalamat.

                 Karamihan sa atin ay hindi nakokontento sa kung ano yung meron tayo. Lagi nating ikinukumpara ang sarili natin sa iba at iniisip, bakit wala akong ganyan? Bakit mas masaya sila kesa sa akin? Galit ba yung Diyos? Sinusumpa niya ba ako? Merong iba satin, aminin man natin o hindi, ay nagtatanong sating sarili ng ganyan. Habang sinasabi natin ito, naiisip ba natin yung mga tao na walang bahay na tinitirhan? Yung mga taong makakakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay parang nakapunta na sa langit. Ngayong bagong taon, sana maging mas mapagbigay tayo. Sana habang nagrereklamo tayo, maaalala natin yung iba na sa isang simpleng bagay lamang ay sobrang nasasayahan na. Sana imbis na tignan natin kung ano yung wala tayo, ay tignan natin kung ano yung meron tayo. Ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ngayon ay patunay na sa isa sa mga mgagandang biyaya natin sa buhay.

                 Pagpasalamatan natin ang ating pamilya, ang mga tao na laging nandiyan para sa atin at syempre, ang ating Panginoon. Hindi lang ngayon kundi sa araw-araw na walang kupas nilang pagmamahal sa atin. Kaya ngayon, pag-uwi natin sa bahay natin o pag-gising natin bukas, sana makakapagsabi tayo ng, "maraming salamat po!"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento